Bethlehem Tutorial Center, Farming Achievers

by:  Jovie Marie A. Jimenez

 

“Number speaks for itself”. Need we say more?

Every exam incites panic in the souls of every student. The sound of scribbling pens signifies the eagerness of the child to answer all the questions in the test paper accurately. Nights of review – study, study, study. After the 3-day exam period, the scary part awaits every student and parent – the CARD DAY.

Viewing the bulletin board on the ground floor of EDNAS bearing all the names of the students of BTC who made it to the Director’s List palpitates every teacher’s heart . The big question is – Did my student make it?

During the last quarter exam recently held in EDNAS, the BTC is proud to say that once more, it remained on top in terms of producing Director’s List. Amidst the burning-of-eyebrow effect of the student hoping to get a high score and show their parents what they can prove, the students of Bethlehem Tutorial proved once more that they are achievers. The lists are as follows:

Preparatory – Jirald Lance Pobletin

Grade 2 – Eliana Fernandez

Grade 3 – Kenna Irma Pardillo /  Karl Angelo Sison

Grade 5 – Luisa Angela Sison

Grade 6 – Elijah Marz Manzano /  Louise Angelo Santos /   Kyla Angelica Sison   

Grade 8 – John Matthew Briones / Nicole Dominique Ong                 

Grade 10 – Regin Ed Aquino / Charlene Ingrid Ong

                  

With the increasing number of students in the Director’s List, it shows to prove that the BTC is serious in reaping more achievers in the future.

To all the students who made it to the Director’s List, KUDOS!

 

Makabagong Anyo Sa Paggawa ng Pagsusulit

ni: Jovie Marie A. Jimenez

Sa mga nagdaang buwan, ang Bethlehem Tutorial Center (BTC), sa tulong ng mga guro at administrasyon ay patuloy na nagsasaliksik ng mga makabagong paraan kung paanong ang simpleng paggawa ng mga test papers o pagsusulit ay magiging kaakit-akit sa mata ng mga mag-aaral. Nais ng BTC na gawing kaiga-igaya ang mga araw ng mga mag-aaral sa pagsusuri at pagbabalik-tanaw sa kanilang mga napag-aralan sa paaralan.

Sa bawat puntong pagbalik-tanaw na natatanggap ng mag-aaral, naroon ang kaba lalo na kung sobrang dami ng mga ito at hindi na nila alam ang kanilang uunahin. Dito ay nakaisip ang BTC kung paanong ang paghahatid ng mga impormasyong gagamitin ng mga bata sa kanilang pagre-review ay mas magiging masaya at kaaya-aya.

Nag-umpisa ang BTC sa paggawa ng ganitong mga reviewers noong huling pagsusulit noong Marso ng taong kasalukuyan. Kung mapapansin sa harap ng naturang reviewer ay kakikitaan ito ng malinis, organisado at presentableng pabalat.

Ang bawat guro ay may sinusunod na pattern sa paggawa. Ito ay dumadaan muna sa kinauukulan bago ito ipamahagi sa mga mag-aaral. Ito ay upang makasigurong walang makakalampas na paksa sa mga puntong pagbalik-tanaw na nakakalap ng mga mag-aaral. Ang pagbabagong-anyo ng mga reviewers ay nagtamo ng iba’t-ibang puna mula sa mga magulang at mag-aaral. Ang iba naman ay hindi gaanong makasunod sa mga panuto o kaya naman ay nahihirapang sagutin ang mga estilo ng pagsusulit.

Ang iba naman ay nagugustuhan pabalat pa lamang ng naturang reviewer dahil maayos at organisado  raw ang mga ito.

Ang iba naman ay tahimik lamang na tinatanggap ang mga ito ngunit may ngiting nakapaloob marahil siguro sa excitement na kanilang nadarama sa pagsagot sa mga tanong dito.

Noong nakaraang mga buwan ay naglunsad na rin ang BTC ng online exam upang maranasan ng mga mag-aaral ang ay may layuning maghatid ng mga makabagong paraan sa pagsagot ng mga pagsusulit.

Layunin ng BTC na lalo pang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral. Sa kanilang pagtanggap sa mga hamong ito, sila ay naihahanda sa mas mataas na antas ng pagtuturo. Sa ganitong paraan, masayang haharapin ng bawat mag-aaral ang mga hamon sa labas ng BTC.

Basket of Reflections after the BTC Team Building

By: Nick C. Caiga

Team Building 2015… to work together….

This team building activity was made possible through the initiative of the administration and staff of the Center, wherein all of them packed home something special — memories, learning, and experience most of all.

Here are some of the excerpts from the reflections of the teachers/staff a day after the activity that are worthy to be mentioned:

“It was such a great opportunity for me to be a member of the 1st ever BTC Team Building Activity – a sort of leadership training and priceless moment that I won’t forget in my entire life. This activity had shaped my views in life when it comes to trust, self-confidence and most of all, self-actualization.”

“I learned a lot about team building which is on how to collaborate and to communicate in every member of the group to deal with such a game. Because I believe that team building is the best thing to attain the group’s goal in a short period of time.”

“I can say that this team building activity helps me a lot. This activity also brought out the leadership skills I have that were not really used the past years of my life. It helps me to build my confidence to lead. It’s a refresher of the things we need to do in certain situation and decide for the best solution of a problem. This activity reveals my weakness and problems that affect my work and affect the team as well. “

“After the first ever team building of BTC, I can now sum up the event’s impact in three words. Realizations. Metamorphosis. Maturity. “

“At the end of the day, I’m glad I joined this Team Building – I’m glad I was there!”

These are but some of the proofs that the first team building of the Bethlehem Tutorial Center served its purpose well for all its teachers.

BTC “Online Examination”, Inilunsad

By: Jovie Marie Jimenez

Noong ika-10 ng Hulyo sa taong kasalukuyan ay inilunsad ang pagsusulit na isinagawa sa internet o tinatawag na online examination dito sa Bethlehem Tutorial Center. Ito ay pinasinayaan ng mga mag-aaral buhat sa EDNAS school of Alaminos, Colegio San Jose de Alaminos, ELR, Great Plebeian College, Alaminos Central School at Shekinah Grace. Ito ang kauna-unahang paglulunsad ng pagsusulit na isinagawa ng isang tutorial center dito sa kabuuang Pangasinan.

Child On PC

Ang mga guro at pamunuan ng BTC ay sumailalim sa pagsasanay sa paggamit ng Google, isa sa pinakasikat na search engine sa buong mundo. Ito ay masusing pinag-aralan ng bawat guro upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa pagsasagawa ng pagsusulit sa mga mag-aaral. Kabilang dito ang paggawa ng mga Gmail accounts at online examination.

Bawa’t mag-aaral ay binigyan ng kani-kanilang Gmail account sa kanilang pag-enroll dito sa BTC. Gamit ang makabagong teknolohiya mula sa Google, ang sinumang kumuha ng pagsusulit ay agad ding mabibigyan ng karampatang marka dahil ito ay awtomatikong inilalagay sa kanilang Gmail account.

Sa ganitong paraan, mas mapapadali ang pagsasagawa ng pagsusulit at pagwawasto sa mga sagot ng mga ito. Sa araw ng pagsusulit, ang mga mag-aaral ay nagdala ng laptop at IPad upang magamit sa paglalog-in sa Google. Gamit ang kanilang account ay kanilang sasagutin ang mga pagsusulit sa bawat asignatura na inihanda ng guro.

Pagkatapos nito ay agad ring malalaman ang markang nakuha ng bawat mag-aaral.

Sa kabuuan, ang naturang paglulunsad ay nagtamo ng positibong resulta. Ang mga mag-aaral ay natutong sumunod sa mga panuto at magsagot sa mga katanungan na isinasaad dito. Bukod pa rito, mas nagiging interesante ang bawat asignatura para sa kanila, isang bagay na ikinasisiya ng BTC.

Tagumpay Nga Ba ang Rebolusyong Pang-Edukasyon ni PNoy?

Ni Rejoicel Vida L. Raguin

May anim na taon na rin ang nakalilipas ng manumpa si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na ang edukasyon at ang pagsasakatuparan ng mga reporma kaugnay rito ang buong pugay at higit na pagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon upang siguraduhing makasabay ang Pilipinas sa buong mundo sa paglikha ng responsableng  mamamayang may malawak na kaalaman, may taglay na kasanayang kinakailangan sa ika-21 na siglo, at syempre may mabuting asal at buo ang loob na haharapin ang bawat pagsubok ng walang ibang sandata kundi ang kanilang integridad.Editorial Cartoon

Kaya naman sa ika-anim at huling beses na paghahatid ni Pnoy ng kanyang State of the Nation Address o SONA, muling nagbabalik tanaw ang kabataan sa mga pangunagin at bukod-tanging repormang pang-edukasyon na ipinatupad niya tulad na lamang ng 12-year Basic Education Cycle o K12, ang Universal Pre-school,Mother-Tongue Based Multi-lingual Education, Madrasah Education, Tech-Voc Education in Senior High Schools at Every Child is a Reader by Grade 1. Sa puntong ito, masasabi na ba nating tagumpay ang Rebolusyong Pang-Edukasyon ni PNoy?

Sa kanyang talumpati, ibinida niPNoy ang kanyang mga nagawa gaya na lamang ng pagbaba ng bilang ng mga out-of-school-youth mula sa 2.9 milyon sa taong 2013 ay 1.2 milyon na lamang sa kasalukuyan, ito ay dahil na rin sa Alternative Learning System na pinakinabangan ng mga batang kalye at katutubo.

Marapat din lamang na kilalanin na tanging sa administrasyon lamang niya nagkaroon ng programang sumusuporta sa kabuuan at pangunahing edukasyon ng mga kapatid nating muslim na binansagang Madrasah Education.

Sa pamunuan din ng kanyang administrasyon itinaguyod ang K12 Education na ayon na rin sa Pangulo ay maglalayong pandayin ang mga estyudante upang maging handa sa hinaharap. Bago pa man ito alam na natin na isa ang Pilipinas sa tatlong bansa sa buong mundo na nagpapatupad ng sampung taonna edukasyon lamang na nagdulot ng interogasyon at pagmamaliit mula sa ibang bansa. Bukod dun nakatulong din ang kanyang administrasyon sa pagreresolba ng kakulangan sa silid-aralan at guro. Ganun pa man sa puntong ito, masasabi na ba nating tagumpay ang Rebolusyong Pang-Edukasyong ni PNoy?

Ang usapin tungkol sa mga repormang pang-edukasyon  ay mahalagang pananagutan di lamang ng kinatawan ng sektor pang-edukasyon kundi ng bawat pilipino. Kung babalikan nating muli at iisiping mabuti  ang mga kataga ni Erasmus at ng ating pambansang bayani, marapat lamang na bigyang-diin din natin di lamang ang  papel ng mga kabataan kundi pati na rin ang edukasyon mismo. Edukasyon, sa pinakapuspos at taos nitong kahulugan ay ang bukod-tangi at pinakamainam na armas at lunas upang mabago at mapabuti natin ang mundo.

Ang kabataang pilipino nga raw ang ag pagasa ng bayan. Ngunit nagampanan nga ba ng administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Benigno ang tungkulin nito sa kabataan, nabigyan ba nito ng pag-asa sa hinaharap ang nakalipas na limang taon ng kanyang panunungkulan? Naging tagumpay nga ba tagumpay ang Rebolusyong Pang-Edukasyong ni PNoy?

Maging tagumpay man ito o hindi. Marapat lamang na magbigay pugay at pagkilala sa mga nagawa ng Pangulo. Siya lamang ang presidenteng nagbuhos ngpansin sa mga problemang may kinalaman sa edukasyon.  Sa ilalim ng kanyang administrasyon nagkaroon ng pangunahing pagbabago sa sistema ng edukasyon. Maaaring may mga pagkakataong napapailing tayo sa kanyang mga ipinipilit na punto, ganun pa man hindi natin maitatanggi ang kanyang giting sa  pagbubukas ng usapin ukol rito sa publiko.

 

First BTC TEAM BUILDING, Held

By: Sharamae L. Rabina and Jovie A. Jimenez

“Teamwork is the ability to work together toward a common vision. The ability to direct individual accomplishment toward organizational objectives. It is the fuel that allows common people to attain uncommon results.”

TBuilding

 

Last October 12, 2015, the Bethlehem Tutorial Center held its first ever Team Building Activity at the Bamboo Paraiso, Bolo Beach, Pandan, Alaminos City. Organized by Mr. James Ryan Nomus with Ms. Jovie Marie JImenez as the co-organizer, it was participated by the BTC administration and teachers. The purpose of this activity is for enjoyment, camaraderie and synergy.

In this activity, the teachers were grouped into two and were given tasks to accomplish at a given time.

The two groups were named – Team A “Janzelli” with Mr. Jan Mark Paulino as the team captain, and groupmates Hanzel Gallardo and Rejoiceli Vida Raguin as teammates, and Team B “Stunner” with Ms. Sharamae Rabina as the team captain, with Nick Caiga and Jefrey Paleb under her team.

The two teams performed their composed yell to fuel the fun. Competent as they were, the challenges that were given to the two teams were remarkably pulled off. The highlight of the event was the “Bottle Relay”. In this activity, they were able to display the importance of teamwork, notwithstanding the heat of the sun and the obstacles along their way.

In the end, one team stood up, the “Stunner”.