Tagumpay Nga Ba ang Rebolusyong Pang-Edukasyon ni PNoy?

Ni Rejoicel Vida L. Raguin

May anim na taon na rin ang nakalilipas ng manumpa si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na ang edukasyon at ang pagsasakatuparan ng mga reporma kaugnay rito ang buong pugay at higit na pagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon upang siguraduhing makasabay ang Pilipinas sa buong mundo sa paglikha ng responsableng  mamamayang may malawak na kaalaman, may taglay na kasanayang kinakailangan sa ika-21 na siglo, at syempre may mabuting asal at buo ang loob na haharapin ang bawat pagsubok ng walang ibang sandata kundi ang kanilang integridad.Editorial Cartoon

Kaya naman sa ika-anim at huling beses na paghahatid ni Pnoy ng kanyang State of the Nation Address o SONA, muling nagbabalik tanaw ang kabataan sa mga pangunagin at bukod-tanging repormang pang-edukasyon na ipinatupad niya tulad na lamang ng 12-year Basic Education Cycle o K12, ang Universal Pre-school,Mother-Tongue Based Multi-lingual Education, Madrasah Education, Tech-Voc Education in Senior High Schools at Every Child is a Reader by Grade 1. Sa puntong ito, masasabi na ba nating tagumpay ang Rebolusyong Pang-Edukasyon ni PNoy?

Sa kanyang talumpati, ibinida niPNoy ang kanyang mga nagawa gaya na lamang ng pagbaba ng bilang ng mga out-of-school-youth mula sa 2.9 milyon sa taong 2013 ay 1.2 milyon na lamang sa kasalukuyan, ito ay dahil na rin sa Alternative Learning System na pinakinabangan ng mga batang kalye at katutubo.

Marapat din lamang na kilalanin na tanging sa administrasyon lamang niya nagkaroon ng programang sumusuporta sa kabuuan at pangunahing edukasyon ng mga kapatid nating muslim na binansagang Madrasah Education.

Sa pamunuan din ng kanyang administrasyon itinaguyod ang K12 Education na ayon na rin sa Pangulo ay maglalayong pandayin ang mga estyudante upang maging handa sa hinaharap. Bago pa man ito alam na natin na isa ang Pilipinas sa tatlong bansa sa buong mundo na nagpapatupad ng sampung taonna edukasyon lamang na nagdulot ng interogasyon at pagmamaliit mula sa ibang bansa. Bukod dun nakatulong din ang kanyang administrasyon sa pagreresolba ng kakulangan sa silid-aralan at guro. Ganun pa man sa puntong ito, masasabi na ba nating tagumpay ang Rebolusyong Pang-Edukasyong ni PNoy?

Ang usapin tungkol sa mga repormang pang-edukasyon  ay mahalagang pananagutan di lamang ng kinatawan ng sektor pang-edukasyon kundi ng bawat pilipino. Kung babalikan nating muli at iisiping mabuti  ang mga kataga ni Erasmus at ng ating pambansang bayani, marapat lamang na bigyang-diin din natin di lamang ang  papel ng mga kabataan kundi pati na rin ang edukasyon mismo. Edukasyon, sa pinakapuspos at taos nitong kahulugan ay ang bukod-tangi at pinakamainam na armas at lunas upang mabago at mapabuti natin ang mundo.

Ang kabataang pilipino nga raw ang ag pagasa ng bayan. Ngunit nagampanan nga ba ng administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Benigno ang tungkulin nito sa kabataan, nabigyan ba nito ng pag-asa sa hinaharap ang nakalipas na limang taon ng kanyang panunungkulan? Naging tagumpay nga ba tagumpay ang Rebolusyong Pang-Edukasyong ni PNoy?

Maging tagumpay man ito o hindi. Marapat lamang na magbigay pugay at pagkilala sa mga nagawa ng Pangulo. Siya lamang ang presidenteng nagbuhos ngpansin sa mga problemang may kinalaman sa edukasyon.  Sa ilalim ng kanyang administrasyon nagkaroon ng pangunahing pagbabago sa sistema ng edukasyon. Maaaring may mga pagkakataong napapailing tayo sa kanyang mga ipinipilit na punto, ganun pa man hindi natin maitatanggi ang kanyang giting sa  pagbubukas ng usapin ukol rito sa publiko.