BTC “Online Examination”, Inilunsad

By: Jovie Marie Jimenez

Noong ika-10 ng Hulyo sa taong kasalukuyan ay inilunsad ang pagsusulit na isinagawa sa internet o tinatawag na online examination dito sa Bethlehem Tutorial Center. Ito ay pinasinayaan ng mga mag-aaral buhat sa EDNAS school of Alaminos, Colegio San Jose de Alaminos, ELR, Great Plebeian College, Alaminos Central School at Shekinah Grace. Ito ang kauna-unahang paglulunsad ng pagsusulit na isinagawa ng isang tutorial center dito sa kabuuang Pangasinan.

Child On PC

Ang mga guro at pamunuan ng BTC ay sumailalim sa pagsasanay sa paggamit ng Google, isa sa pinakasikat na search engine sa buong mundo. Ito ay masusing pinag-aralan ng bawat guro upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa pagsasagawa ng pagsusulit sa mga mag-aaral. Kabilang dito ang paggawa ng mga Gmail accounts at online examination.

Bawa’t mag-aaral ay binigyan ng kani-kanilang Gmail account sa kanilang pag-enroll dito sa BTC. Gamit ang makabagong teknolohiya mula sa Google, ang sinumang kumuha ng pagsusulit ay agad ding mabibigyan ng karampatang marka dahil ito ay awtomatikong inilalagay sa kanilang Gmail account.

Sa ganitong paraan, mas mapapadali ang pagsasagawa ng pagsusulit at pagwawasto sa mga sagot ng mga ito. Sa araw ng pagsusulit, ang mga mag-aaral ay nagdala ng laptop at IPad upang magamit sa paglalog-in sa Google. Gamit ang kanilang account ay kanilang sasagutin ang mga pagsusulit sa bawat asignatura na inihanda ng guro.

Pagkatapos nito ay agad ring malalaman ang markang nakuha ng bawat mag-aaral.

Sa kabuuan, ang naturang paglulunsad ay nagtamo ng positibong resulta. Ang mga mag-aaral ay natutong sumunod sa mga panuto at magsagot sa mga katanungan na isinasaad dito. Bukod pa rito, mas nagiging interesante ang bawat asignatura para sa kanila, isang bagay na ikinasisiya ng BTC.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s